Thursday, October 20, 2011

Magpakatoto ka Barbie - tula

"Magpakatotoo ka Barbie"
Kategorya : Tula
blogger : Jhiegzh



Napakaswerte mo ipinanganak kang mayaman
Bulsa ng mga magulang mo’y parating may laman
Kahit anong gusto mo ay binibigay nila
Upang sa gayon ika’y makitang masaya

Naalala ko pa nga noong ika’y sinorpresa
Mga magulang mo may supot na dala
Nabigla ka noong ito’y binuksan
Mga kotse, robot, mga panlalaking laruan

Nagtaka ako sa’yong naging reaksyon
Kung bakit di ka nasiyahan sa panahong iyon
Wala namang masama sa kanilang binigay
Dahil hangad lang nila ang iyong ngiting tunay

Sa pagdaan ng araw, kilos mo’y nag-iba
Pinaglaruan mo ako’t hindi ang bigay nila
Binihisan, sinuklayan na parang isang prinsesa
Nilagyan ng kosmetics at pampaganda

Doon ko nalaman ang iyong sikreto
Ang dahilan kung bakit ako’y pinulot mo
Sa isang basurahan na napakabaho
At nilagay sa iyong bag na amoy bago

Wala akong hinanakit sa iyong ginawa
Salamat sa iyo at ako’y iyong nakita
Ngunit bakit malungkot ang aking nadarama
Sa tuwing nilalaro mo akong mag-isa

Alam kong ako ay laruang patago
Sa ilalim ng kama ako’y tinatago
Sa tuwing kinakausap ka ng iyong ama
Kilos mo’y biglang nag-iba

Nalulungkot ako sa iyong sitwasyon
Isang kang bilanggo ng iyong kahapon
Hindi maipakita kung ano ka talaga
Sa mata ng iyong magulang at ng iba pa

Oo, alam ko hindi ka pa handa
Na sabihin sa kanila ika’y bakla
Pero buhay mo yan at hindi ka nila pag-aari
Gawin ang gusto mo at ‘wag mag-atubili

Pero hiling ko sana’y balang araw maisipan mo
Dalhin ako’t paglaruan sa harap ng mga tao
Yan lang naman ang aking natatanging gusto
Ang hindi ka magpanggap at ika’y magpakatotoo.

30 comments:

  1. Sir Bernard parang hiwalay dapat ung last 2 stanzas ko sa huli.. Thanks

    "Oo, alam ko hindi ka pa handa
    Na sabihin sa kanila ika’y bakla
    Pero buhay mo yan at hindi ka nila pag-aari
    Gawin ang gusto mo at ‘wag mag-atubili

    Pero hiling ko sana’y balang araw maisipan mo
    Dalhin ako’t paglaruan sa harap ng mga tao
    Yan lang naman ang aking natatanging gusto
    Ang hindi ka magpanggap at ika’y magpakatotoo."

    ReplyDelete
  2. wow ang ganda na namin ng tula na 'to. masterpiece

    ReplyDelete
  3. good job.
    more! hehehe.

    ReplyDelete
  4. Maganda ang iyong pagkakasulat ng tula. Kudos sa entry na ito! May chance talaga aka may pinaghuhugutan!

    ReplyDelete
  5. Good luck! Ikaw na ang makata... hihi!

    ReplyDelete
  6. WOW! as i started to read the poem, i was captured right away with its spell. The gradual unfolding of the events and the hint of mystery of the story was indeed thrilling. I as well as many of my kind could truly relate to this magnum opus....Thank you so much for having the courage and the ingenuity to come up with this brilliant poem....the strength of this poem is that it has a soul to it, it has life....kudos to you...God bless!!!

    ReplyDelete
  7. I love your work Jhiegzh!
    The whole story is so relatable!
    Amazing,beyond beautiful,perfect!
    Keep it up Jhiegzh!
    Good Job!

    ReplyDelete
  8. wow! makata ka pala Jhiegzh.

    Wish you all the luck sa contest na to

    ReplyDelete
  9. Tanda ah! Nice poem. :)

    ReplyDelete
  10. naks!! naman!! nice work jhigs!! wala kang kupas!!!

    ReplyDelete
  11. speechless here! such an awesome composition..confidently saying, this poem has life and soul that could bring you to the higher level of success...couldnt be any prouder of how you become today...im very proud of u...

    ReplyDelete
  12. super like! cute ng metonymy ni kuya :3 nacucurious ako sa mga bakla. hahaha!

    ReplyDelete
  13. i love your poem.... :)

    ReplyDelete
  14. Maganda yung message ng tula. :)

    ReplyDelete
  15. ,NICE..BAGAI SA KUYA NG NGSULAT NITO...HAHAHA

    ReplyDelete
  16. super like...im touched...

    Nalulungkot ako sa iyong sitwasyon
    Isang kang bilanggo ng iyong kahapon

    di ba isa kang bilanggo ng iyong kahapon ang dapat??la lang..di ako magaling sa tagalog, pero, ewan...correct me if m wrong.. :)

    all in all! nice poem...

    ReplyDelete
  17. Well written, very nice poem! =)

    ReplyDelete
  18. nice, nice, nice...!!!!

    ReplyDelete
  19. may sikreto palang tinatago. hohohoho

    ReplyDelete
  20. Wow a masterpiece indeed! I so love the poem... Once you read the first stanza, you really look forward for what's next! Anyways nice ending! MAY LESSON...BE REAL!!! All in all well written Jhiegzh.

    ReplyDelete
  21. nice kua! ganda.. galing galing! godbless po... nice poem. makata ka tlaga.

    ReplyDelete