Dalawang Sintas
blog : Kwento ni Kat
link : http://katrinadanieles.wordpress.com/2010/09/16/dalawang-sintas/
Nawawala ako. Nawawala ako. Yan lang ang paulit-ulit sa utak ko dahil nandito ako ngayon sa gitna ng isang lugar na hindi ko alam kung saan. Ayoko namang mag-tanong-tanong dahil baka sabihin nilang tatanga-tanga ako. Bakit nga ba nandito ako sa lugar na 'to? Dahil may hinahanap akong paaralan. Kaninong paaralan? Anak sa labas ng taong mahalaga sa akin. Sinong tao? Ang ama ko.blog : Kwento ni Kat
link : http://katrinadanieles.wordpress.com/2010/09/16/dalawang-sintas/
Ngayong kolehiyo ko lang nalaman na nagloko pala ang tatay ko nung hayskul ako. Nagbunga ang pagkakamaling yun kaya nandito ako ngayon sa lugar na ni wala akong kaalam-alam kung saan, para itama ang pagkakamaling yun. Pupuntahan ko ang bastarda o bastardong anak para pagsabihan na 'wag nang umasang mas pipiliin sila ng tatay ko kesa sa pamilya namin. Sasabihan ko siyang lumayo-layo na sila at huwag ng magparamdam para magkaroon na ng katahimikan ang pamilya namin. Habang bata pa siya, mas mabuting alam niya kung saan siya lulugar.














