Ang Kaharian ng Kawayan
blog : Maskara
May apat na magkakaibigan sa kuwentong ito, sila Malikh Malikhain, Lino Matalino, Sinang Usisera, at si Kaloy Makakalikasan.
Si Malikh, ay kilala sa paggawa ng mga bagay na mapakikinabangan, kaya nga lang ay nasasayang ang ilang bahagi ng mga bagay na ginagamit niya, halimbawa: kung nais niyang gumawa, pumuputol siya ng isang buong puno para makabuo ng isang kuwaderno. At hindi niya pinapalitan ang mga punong kanyang pinuputol.
Si Lino naman ay marunong gumawa ng paraan sa mga bagay bagay, ngunit madalas siyang mag aksaya ng tubig, katulad ng sa paglilinis, ay hinahayaan lang niyang umaapaw ang tubig sa kanyang baso, o ang kanyang balde at nasasayang ang mga ito.
Kilala sa pagiging matanong si Sinang, mahilig siyang mag usisa sa mga bagay na ginagawa ng kanyang mga kaibigan o kahit sinong tao na gusto niyang makaalam ng bagong impormasyon.
At si Kaloy naman ay nakilala sa kanyang pagiging masinop, at mapag-alaga sa kalikasan.
Isang araw, may isang diwata ang nagpakita sa apat na magkakaibigan. "Kailangan ko ang inyong tulong!!!" wika niya, "Ako si Diwatang Pina mula sa Kaharian ng mga Kawayan, sa aming kaharian, ay mayroong nagbabadyang panganib! -Si Bondoy, ang isang halimaw mula sa karagatan ay nagbabadyang atakihin ang aming mumunting bayan.














